Tatlong buwan na lang, "porchir" na ko. <sabay tulo ang maraming luha>
Minu-minuto kong pinipigilan ang sarili ko na huwag bilangin ang mga nalalabing araw bago ko pasukin ang huling taon ko sa kolehiyo. Pero, kahit anong gawin kong pag-aliw sa nahihibang kong utak, pilit sumusuot sa mga neurons ko ang mga katagang- "seniors"; "porchir"; "SP defense"; at "trabaho".
Masaklap. Dahil parang kailan lang, patambay-tambay lang ako sa sala, cartoons dito, cartoons doon. Pero ngayon, madalas mo akong matatagpuan sa apat na sulok ng aking munting silid. Ito ang naging mundo ko simula ng ilipat ko dito si "Qube", ang aking minamahal na desktop. Sa silid na ito ako namamalagi nang mahigit 15 oras bawat araw.
Masaya? Hinde. Lalo ko lang nararamdaman ang bigat ng realidad na hindi na ako ang dating gusgusing bata na patakbo-takbo lang sa kalsada kasama ang kanyang tropa. Malaki na ang pinagbago ko. Walong taon na nang huli kong makalaro ang mga batang minsa'y naging parte ng aking pagkamusmos.
Sana pagising ko, grade 5 ulit ako.
No comments:
Post a Comment