Wednesday, February 17, 2010

Pahiram ng mapa

Asan na kaya ako?
Saan nga ba ako tutungo?
Tama ba ang landas na tinatahak ko?
Gaano pa ba kalayo ang lalakbayin ko?


Pakiramdam ko nawawala ako. Nung bata pa ako, ang dali lang ng mga bagay-bagay. Bakit ganito na ngayon? Masyado nang komplikado. Napakasimple nga ng mga pangarap ko noon eh. Pero bakit nahihirapan na ata akong tuparin yon? Naguguluhan na ako sa takbo ng buhay ko. Ni hindi ko man lang magawang bagalan ito. Minsan naisip ko, pano kaya kung...

kung tama ba lahat ng 'to? kung ako ba talaga 'to? o kung magiging ayos ba talaga ang lahat?

Hindi ko magawang matulog dahil ayaw magpahinga ng utak ko kakaisip sa kung ano nga ba ang kahihinatnan ng lahat ng ito.

Ayoko na.

No comments:

Post a Comment