Saturday, July 18, 2009

Napakasaklap Repa!


Eto ay galing sa isang blog na nakita ko matagal ng panahon ang nakalipas. Gusto ko lang i-reblog kase wala akong magawa. Natawa ako nung makita ko to. Ikaw? Natawa ka ba? Kung hinde, pagpasensyahan mo na lang ang kababawan ko. Haha!

Ang totoo nyan, inaaliw ko lang ang sarili ko. Kagagaling ko lang sa isang masaklap na heartbreak. *heartbreak na nga tapos masaklap pa? Anu kaya yun? Haha!* Ah basta, napasaklap talaga repa! Nagmukha na nga akong tanga, ako pa pinalabas na sinungaling. Buhay nga naman. Halos gabe gabe nya kong inaaway at pinapaiyak. Kinaumagahan, parang wala lang nangyare. Magso-sori siya, at ako naman na gaga, tatanggapin ko naman. Kasalanan ko ba na hindi ko siya kayang tiisin? Pag-ibig nga naman. At ngayon, napagdesisyonan namen na itigil na ang kalokohang ito. Na parang wala na lang nangyare. Na parang hindi na lang kami nagkakilala EVER. So ayun, binagsakan ko siya ng telepono. Last words ko? "Babay. Gudlak." Hahaha! *insert evil smirk here* >:]

Sana lang hindi niya na ako muling gambalain. Dahil baka lumambot na naman lang ang puso ko ata pagbigyan ko na naman siya for the Nth time. Pero mali ba ang pagkokonsinte ko sa mga ginagawa niya sakeng pananakit? Wag mo nang sagutin. Alam ko naman ang sagot.

KATANGAHAN.
KAGAGAHAN. KALOKOHAN.




*bow..

No comments:

Post a Comment