Wednesday, May 20, 2009

Be Inspired Chong

"You have the makings of a good writer."

Hindi naman sa nagyayabang ako pero isa to sa mga madalas na comment ng mga instructors ko sa mga ipinapasa kong written requirements. Siyempre sa unang kita nung mga salitang nakasulat sa red na ink, na-flatter ako. Pero naisip ko lang, di kaya nilalagay lang nila yun para nga ma-flatter ako, at ma-inspire na magsulat pa? Na baka yun din ang comment nila sa halos lahat ng estudyante nila. Na para bang strategy lang nila yun para tumaas ang self esteem namin at pati na rin ang self confidence.

Dahil sa madalas ko ngang natatanggap ang comment na yan, matagal na ring nakasaksak sa utak ko na malamang may potential nga talaga ako. Pero kahit kailan hindi ko inisip na mas magaling ako sa iba. Ang alam ko lang eh marunong ako "magsulat". At eto pa, di ko rin inisip na magaling ako. Well, okay. Minsan naiisip ko din na magaling nga ako pero hindi ako mayabang ah! Masarap din kasi yun minsan sa feeling eh. Minsan lang naman!

Malamang naisip niyo na dahil tungkol sa pagiging "writer" ang topic, eh kaya ako ngba-blog ngayon. Siguro tama nga kayo. Na-inspire kasi ako nung mga taong mahilig sa ganito. Napapa- Wow! ako madalas sa mga ideologies nila. Sa tuwing nakakabasa ako ng blog entries, english man o tagalog, nakakaramdam ako ng para bang "inspiration attack".

Ayun. Boredom na di ba? Wag ka mag-alala, tatapusin ko na.

Para saken, lahat naman ng tao eh meron ng "the makings of a good writer" eh. Yun nga lang, hindi lahat eh meron ng "kasipagan" at "inspirasyon". Kung ako sainyo, hanapin niyo ang sarili ninyo through blogging. Maghanap kayo ng mga bagay o kaya tao o kaya kahit ano na sa palagay niyo ay makaka-inspire sainyo. Para lang naman kasi itong daily journal kung saan pwede niyong ilagay ang kahit na anong bagay na gusto niyong ilabas sa sistema niyo. Sa una medyo nakakahiya pero masasanay din kayo. Masaya to chong! Promise! Go lang! Go!


No comments:

Post a Comment