Sunday, June 27, 2010

Tara pakamatay tayo.

Sa tuwing sasapit ang linggo, gusto kong mapag-isa. Kapag linggo kasi, mas damang-dama ko kung gaano kabigat ang mundong ginagalawan ko. Lahat ng problemang pinagdadaanan ko eh pilit na sumisiksik sa utak ko. Yung tipong, naguunahan sila, nag-aaway away para unang mapansin, kaya sumasakit ulo ko, leche. Problema sa pera, sa kolehiyo, sa pag-ibig, sa pamilya, sa pagtulog, sa isip, sa salita at sa gawa. Putangina lang.

Sa mga oras na mag-isa ako, gusto kong magpakamatay. Kung di lang isiniksik ng mga tao sa utak ko na kasalanan ang magpakamatay, malamang matagal na kong pinagpiyestahan ng mga lecheng decomposers na yan. Ang tao kasi, parang lobo- kapag punong-puno na, sumasabog. Sa sobrang dami ng iniisip ko ngayon, daig ko pa ang naloloka sa pagbilang ng wanmelyonkas na barya. Gusto kong tumakbo ng tumakbo. Gusto kong tumakas. Gusto kong iwanan lahat ng bagay na nag-aalis ng tuwa sa puso ko. Wala na kasing natitira sakin. Unti unti nang napapalitan ng lungkot at kaba ang saya.

Ang hirap maging tao, ang hirap maging normal. Pero mas mahirap kapag alam mong mag-isa ka lang, walang kakampi, walang kaibigan na parating nadiyan para makinig. Yung tipong ramdam mo na walang nagmamahal sa'yo. Yung tipong wala kang makausap, wala kang makuwentuhan, wala kang maiyakan o mayakap man lang. Mahirap kausapin ang sarili, lalo na pag tungkol sa kaputahan ng problema.

Nakakapagod umiyak. Nakakapagod rin tumawa, lalo na kung hindi ka naman talaga masaya. Sa dinami-dami ng pinagdadaanan ko ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong makapitan. Wala akong pambili ng alak. Wala rin akong pambili ng kahit isang stick ng yosi. Wala rin akong ganang kumain. Hindi ko na alam. Ang gulo na. Ayokong maglaslas, masyadong madugo, tsaka masakit yun. Hindi rin naman ako agad mamamatay kasi dadalhin ako sa ospital, macoconfine tapos aabsent. Mas magiging komplikado ang leche kong buhay.

Naiinggit ako sa mga kaibigan ko. Sa mga oras kasing ganito, kasama nila pamilya nila. Ako palagi lang akong mag-isa, nakakulong sa kwarto. Sana may kapatid rin ako, o kaya sana nandito ang nanay ko, pati ang tatay ko, para naman ramdam kong may pamilya rin ako.
Putangina talaga.



/laslas.

1 comment:

  1. hi pareho tau..ganyan na ganyan din naiisip q gusto q pakamatay kaso takot naman aq maglaslas o gumawa ng bagay na masasaktan aq..triny q plang magoverdose dati d naman umepekto kulang kc nagising pa rn aq..hay ang buhay q sobrang lungkot din lage aqng magisa..tumitira aq ngeon magisa, walang makausap wala rn aqng kapatid, wala aqng ama.. at un nagiisang magulang q pa nangaabuso saken at nagbbgay ng trauma sa buhay q, puro rin problema meron sa buhay

    ReplyDelete