Naiinis lang ako sa sarii ko. Hindi ko alam na yun na pala ang huling pasko na kasama ka namin. Hindi man lang kita nabigyan ng regalo nun, samantalang palagi akong nasa listahan ng binibigyan mo ng pamasko. Ang pagsisi talaga ay laging nasa huli. Kelan ba ito napaunahan?
Salamat sa labimpitong pasko na nakasama kita.Ü
Pasensya na kung hindi kita madalas dalawin. Sa tuwing makikita ko ang lapida mo, hindi na nagagawang magpaalam ng aking mga luha kung pwede ba silang tumulo. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang ngiti sa iyong maamong mukha sa tuwing napapasaya kita at ang tunog ng iyong halakhak, sana hindi ako makalimot. Kahit siguro sampung taon kong hindi tingnan ang mga larawan mo, kaya ko pa ring ipinta ang mga kulubot sa iyong mukha na palagay ko'y dulot ng mga perwisyo at kapasawayan ko sa'yo.
Salamat sa labimpitong taon ng pagbibigay inspirasyon.Ü
Ikaw ay mananatiling inspirasyon ko. Ikaw pa rin ang paborito kong titser, at ako pa rin ang pinakamsugid mong tagahanga, Nay.
Muli, Meri Krismas Nanay :)
No comments:
Post a Comment