Saturday, May 30, 2009

You'll never know what you have until it's GONE...

Alam ng Diyos kung gaano naghihirap ang damdamin ko ngayon. Kung gaano kasakit pagtakpan ang sakit na minu-minutong kumukurot sa puso ko. Kung gaano kahirap itago ang sakit sa bawat pilit na mga ngiti at tawa. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito, ngayon ko lang ulit naalala kung gaano kasakit ang magmahal at masaktan. Cheesy pero totoo. Siguro nga kasalanan ko to. Ako na! Ako na ang gaga! Ako na ang tanga! Ako na nga ang lahat lahat eh, ako pa nasasaktan ng ganito. Siguro masyado lang akong naging kampante na nandyan ka lang palage. Na kahit anong oras kita kailanganin, andyan ka para makinig. Pero, nagkamali ako. Madami talagang namamatay sa maling akala. Kaya eto, nasaktan tuloy ako.

"Just when I was falling for you all over again, you suddenly broke my heart. You just have to, don't you?" Siguro nga, hindi pa talaga ako handa para pumasok sa isang relasyon. Pero di ba sabi mo, maghihintay ka, kahit gaano katagal, kahit ano pang mangyari. Sabi mo ako lang ang babaeng para sayo. Pero bat ganun? Oo. Sabi ko nun, kung sa paghihintay mo makahanap ka ng iba na magpaparamdam sayo kung paano ka dapat mahalin, maiintindihan ko at pilit kong iintindihin. Pero hindi ko alam na ganito pala yun. Sobrang sakit pala.

Siguro nga, sa mga oras na wala ako sa tabi mo, nakahanap ka ng taong umintindi sayo. Yung taong naibigay yung pag-aaruga na hinahanap mo. Yung pagtingin na hinahangad mo. Yung pagmamahal na kahit kelan ay di ko naparamdam sayo. Pero sa maniwala ka man o hindi, minahal kita. Minahal pa rin kita kahit alam kong di ko kayang pantayan yung pagmamahal na pinapakita mo saken. Siguro nga panahon na rin naman para maging masaya ka. Sino ba naman ako para pigilan ang kaligayahan mo.

Wag kang mag-alala. Di magtatagal, lilipas din tong sakit na bumabalot sa puso ko. Bigyan mo lang ako ng konting panahon. Gusto kong malaman mo na masaya ako para sayo.




Panahon na rin naman para pakawalan natin ang nakaraan. At harapin ang kung ano man ang meron sa ngayon.Ü

Salamat sa lahat lahat.Ü

Friends? Ü







No comments:

Post a Comment